3.6.11

SIx Weeks After

It had been six weeks after I swallowed my words and decided to try out the call center industry, I have finished my training and now in probie status. However, ramdam ko na yung toll ng trabahong to sakin, physically,emotionally, socially.

Sabi nga ng mga taong nakakilala sakin, matakaw ako sa tulog kahit naman di kailangan ng katawan ko. Dahil sa pagshift ng pasok ko from 7am, to 8, to 3pm, 10, 11, at finally shifting ng ilang minuto per day, nagmamakaawa lagi ang katawan ko sa tulog. It doesnt help na 6pm palang gising nako kaya wala nako energy right after work. Dagdag mo pa na napapadalas ang kain sa labas kaya nadagdagan ng timbang.

Alam ko na yung sunod na reaction, "Bakit di ka mag gym? May pera ka naman." Well I wanted to, kaya lang sadyang nagbabanggaan ang gusto ko a gusto ng mga tao sa paligid ko. Let's take that damn gym as an example.  Supposedly, inenroll ako sa Gold's ng bestfriend ko  without my knowledge. Okay lang naman, pinalagpas ko na kasi nagplaplano rin naman ako mag enroll(pero sa chipipay lang, bleh. Mahirap na baka di mamaintain ang bayad) Kaso lang, bigla ding binawi dahil napagusapan nila ng mom ko, again  without my consent and/or knowledge. Wow, walang muwang at kaalam-alam sa mundo? Nakakabwisit lang na imbes na subukan ko at ako ang makaalam kung kaya ko o hindi first-hand, eh nagdesisyon agad sila para sakin. Kesyo daw malayo o di ko kakayanin o papasok pako this June, blah blah blah blah blah.

Another thing would be about my pay. Grabe naman, nag-aaral pako pwede wag muna ako amgshoulder ng hindi personal expenses? Di naman ako angdadamot eh, wag niyo lang subukan na kayo magbudget ng sarili kong pera. Langhya parang dapat lagi akong may "other people fund" pag sweldo sa dalas ngt anong ninyo kung may pera pa ako at mga pagpaparamdam na baka maghiram kayo. Amp. Dalawang sweldo paang dumadaan ng lagay na yan.

Mmmm napapasobra na yata rants ko. Ewan wala na kasi akong nakikitang tao maliban sa coworkers ko at pamilya ko. Napakalimited ng lakad ko, mainly due to my propensity to sleep. I feel cut off from the rest, and my wings are getting clipped by the people whom I care for so much. Nakakapagod, minsan namimiss ko yung times na marami akong acquaintance at nakakausap. Ngayon kahit text wala na, wala na kasi ako oras.

I sorely wish for school start to roll, even if I know it will wreck every adjustment that happened before.

2 axon connections:

zeke said...

may pinagdadaanan ka pala. kaya mo yan..

Neokiro said...

@green okay lang to... :) salamat ah?

Post a Comment