23.6.11

Redonda

Samyo ng hangin sa ating takip-silim
Samyo ng ala-alang buo at wagas
Halimuyak na dala sa aking lilim
Tanda ng pangako, noon, ngayon at bukas


Mga ala-alang dala ng kahapon
Dala'y ngiti sa bawat pahina nito
Mga ala-alang dala ng kahpon
Dala'y luha sa mata, kirot sa puso.


Pangako ng bawat panahong lumipas
Animo'y tanikala sa' 'ting sarili
Pangakong malumanay man o marahas
Marka sa'ting puso'y 'di maitatanggi
---
Anong pangakong naako ang iyong ikinukubli, anong ala-ala ang iyong itinatanggi?
Anong halimuyak ang ayaw mong malanghap? Saang sayaw ka nagpapasintabi?
Tanggapin ang sarili, maganda man o hindi.
Tanggapin ang pakpak; anghel man o demonyong matuturing.
Buuin ang buhay mong tagpi-tagpi.
Tanggapin ang iyong sarili, tama man ito o mali.

0 axon connections:

Post a Comment